“Pacquiao Nationalism”

http://sports.yahoo.com



Katatapos lang ng dalawang rounds ng basag-ulo nina Ricky Hatton at Manny Pacquiao, kung saan mukhang nawasak ni Pacquiao ang panga ni Hatton at ang puso ng mga supporters nito.


Pero hindi ko ito isinusulat para magbigay ng aking boxing analysis dahil wala naman talaga akong balak na magsulat at pagkaabalahan pa ito (dahil malamang halos lahat pag-uusapan to ng halos isang linggo o higit pa). Napasulat ako dahil nabasa ko yung stat message ng isang friend sa facebook (si Will Mardo) nung hiniritan siya ng kuya niya na walang “sense of nationalism”, at dun sa sinabi sa Tito ko nang pumusta siya para kay Hatton (parang ‘di raw pinoy, ayon sa mga ito). Gusto ko lamang magbigay- komentaryo tungkol sa dalawang statement na ito.


Unang- una sa lahat, ang professional boxing na pinapanood nating lahat (sa pay-per-view man yan o sa local t.v. station) ay isang klase ng prize fighting. Sa mga katagang ito pa lamang, alam na kaagad natin ang motibasyon ng isang tao kapag isa siyang prize fighter – at yun ay ang lumaban para sa isang premyo, na kadalasa’y pera at pansariling karangalan.


Kung usapang Manny Pacquiao yan, hindi ko alam ang kanyang motibasyon, subalit masasabi kong hindi ang pagdadala ng karangalan sa bansa ang pangunahin sa listahan: dahil pwede ka namang sumali sa Olympics, na hindi naman nagpapapremyo ng milyones, kung karangalan ang gusto mo para sa bayan.


Tama bang sukatan ng pagiging makabayan ang hindi panonood ng laban niya? O kaya ay ang pagkampi kay Hatton, kung sa palagay mo ay siya ang mananalo?


So, pwede na pala akong maging makabayan nang nakaupo lamang? O kaya ay suutin ito, sa pamamagitan ng mga statement shirts o Pacquiao t- shirt? Nung huling tingin ko ginagawa rin ito ng mga dayuhang fans niya, anong pinagkaiba nun sa atin?


Makabayan ba ang mga kongresista nating naging dahilan ng postponement ng isang session ng mababang kapulungan dahil lumipad sila papuntang Las Vegas para panoorin si Manny Pacquiao? Makabayan ba si Gloria Arroyo kapag sinusuportahan niya si Pacquiao kahit na hindi man lang siya makapag-order ng wage increases para sa mga kababayan natin, dahil diumano’y malulugi ang mga dayuhang kumpanya?


Gusto ko si Pacquiao bilang boksingero at hindi dahil sa Pinoy din ako. Sinuportahan ko siya laban kay Hatton dahil na rin sa kanyang galing sa larong ito. Pero kapag nakikita ko ang mga pulitikong nakapaligid sa kaniya, na animo mga lobong nagkakandarapa sa isang pirasong karne, bago at pagkatapos ng laban, idagdag pa na malapit na namang mag- eleksyon, eh napapaisip ako kung gusto ko rin ba siya bilang kapwa Pilipino.


P.S. matanong ko lang: na- postpone din ba ang isang session ng UK parliament para kay Hatton? Paging Speaker Nograles!!!

And Anooooother Ooooooone!!!


YEP, THAT'S HER PRAYER....

Pacquiao- Hatton Fever, AH1N1 Virus at Iba Pang Sakit

Okay, ngayong panahong ito, ililista ko lang ang mga sakit na puwede nating makuha, kasama na ang sintomas at posibleng lunas:



http://www.crdoc.com/images/services/1228799813flu.jpg


  1. Influenza (dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon)

Sintomas: ubo, sipon, lagnat, muscle ache, joint pains, sore throat


Gamot: Pahinga, maraming tubig at kung uubra sa iyo, Bioflu (di ako nag- aadvertise ha?)




http://blog.cleveland.com/world_impact/2009/04/large_Mexico-City-swine-flu-Apr26-09.jpg


  1. A(H1N1) Flu Virus

Sintomas: ubo, sipon, lagnat, muscle ache, sore throat, pagsusuka, diarrhea, respiratory illness na walang lagnat


Gamot: wala pang ispesipiko, subalit ang karaniwang treatment program para sa influenza ang

ginagamit. Pagtatakip ng bibig pag babahing, paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa matataong lugar ang kailangan.





http://www.cealagar.com/wp-content/uploads/2008/12/watch-manny-pacquiao-ricky-hatton-boxing-online-live-streaming-free.jpg


  1. Pacquiao- Hatton Fever

Sintomas: walang ibang masabing event at gagawin para bukas(kahit pagligo) kundi “Pacquiao-Hatton”, ipagpapaliban ang pagsisimba para makapanood ng laban sa Gateway, may sudden urge na magshadow- box na animo siya ang lalaban bukas, abang ng abang sa internet ng news ng laban, at sa mga espesyal na kaso: mag- delay ng session ng paglikha ng batas para lang makapanood sa las vegas (balik niyo tax money nameeen!).


Gamot: Putulin ang kuryente bukas; umiwas din sa matataong lugar dahil tiyak na ito lang ang topic; magtago sa ilalim ng bato ng isang buwan dahil mukhang isang buwan din itong pag-uusapan o higit pa. Lalo pa at *ahem*elek-syuun*ubo* (nakow, AH1N1 na ata ‘to). Kahit ‘di boxing analyst magkokomento, panigurado.




http://cache.daylife.com/imageserve/05hGfXOg89c3V/610x.jpg


  1. Cha-Cha Virus

Sintomas: pagpipilit na baguhin ang konstitusyon para sa pansariling interes; pagsusubo sa mamamayan ng malinaw na ayaw nila; may urge na payagan ang mga Transnational and Multinational companies na magmay- ari ng lupa ng Pilipinas ng buung-buo samantalang kapwa Pilipino ay hindi mabigyan ng lupa; at pagnanais na mag-extend ng termino para lalo pang makapangdambong.


Gamot: isipin ang mamamayan, umalis sa puwesto o mapatalsik sa puwesto. Isulong ang interes ng lahat ng sektor kaysa pansariling ambisyon. Para sa maglalapat ng lunas, kabaliktaran ng mga influenza viruses, pumunta sa mga matataong lugar at kaganapan katulad ng teach-in, forum, protesta at rally.


Wilmyr Parpana Paradero (1988- 2009)

si Wilmyr at ang kanyang paraiso...


Para Kay Wilmyr

Sa ating bawat pagtulog,
humihiga tayo dala ang sakit,
pait at sayang natamo
sa buong hapon ng pagpapagal,
paglaban at pagkapit para sa ating mga buhay.

Ibibigay ng unan, kumot at katre
ang pahingang nais ng kalamnan;
at ibibigay sa atin ng gabi,
ang mga panaginip na pansamantalang
maghihilom ng mga nagnanaknak na sugat
ng ating mga kalooban.

At bukas babangon tayo,
may lakas sa binti, talas sa isip
at buhay na damdaming
nagnanais na tayo ay sumulong
sa kabila ng marahas na mga daluyong.

Subalit sa iyong pagtulog,
ipinagkait sa iyo ng gabi
ang pagkakataong magmulat
ng mga matang nakapagpahinga,
at mga binting handang maglakad,
tadyakan ang anumang haharang sa pangarap mo.

At kaming mga naiwan mo,
nagtatanong, naghahanap
bakit ikaw pa?
Samantalang sa hardin ng buhay,
napakaraming ligaw na mga damo!
Bakit isang ubod pa lamang
ang napiling bunutin ng mapaglarong
mga kamay ng kamatayan?

Ngunit huwag kang mag-alala,
ang alaalang iniwan mo
ay hindi lamang nagmarka sa gunita
kundi pati na rin sa aming
mga pagal na katawang
nakadaupang-palad, nahagkan,
nakasama mo at nakitawa sa iyo.

Kasama namin
ang lahat ng naging iyo at amin.
At sa tuwing sasagi ka sa aming isip,
Dala namin ang panalanging
sa pagtulog mo
ay iyong nakamulatan
ang hinahanap mong paraiso.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Magpahanggang- ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa balitang nabasa ko. Tinext lang ako ni Bry, sa parehong number ng dual sim ko na fone - patay na raw si wilmyr...

Tiningnan ko sa isa ko pang inbox, medyo umaasa na iba ang nakasulat, pero ganoon pa rin ang nakalagay, nakasulat sa mga letrang 'di man lang alam ang hatid nilang mensahe - patay na raw si wilmyr...

Nung nakaraang dalawang sem ay naging kaklase ko pa si Wilmyr. Sa totoo lang, hindi siya ang tipong bigla na lang aagawin ng dilim sa kanyang pagtulog. Si Wilmyr ay malusog at puno ng enerhiyang tumatawa pa sa ilang mga biro ko. Ito ang Wilmyr na naaalala ko.

Pero nung gabing ako ay nagsasaya ng aking kaarawan, si Wilmyr naman ay nakikipambuno kay Kamatayan sa kanyang tulog. Kaya hindi ko maiwasang malungkot ng todo, dahil hindi inaasahan ang pagkawala niya. Sabi ko nga sa kanyang Facebook profile, ang pakiramdam ko ay nanakawan. Nanakawan ng isang kaklase at kaibigan. Ang masakit pa, ang magnanakaw na ito ay siya ring kakaharapin ko balang-araw at dapat din sana ni Wilmyr, ngunit ang balang- araw ni Wilmyr ay biglang naging kinagabihan sa akin.

Tsong, salamat sa lahat. Kahit na hindi tayo masyadong nagkakilala ng matagal, alam ko, na nasa mas komportableng lugar ka na ngayon. Dangan nga lamang, eh hindi mo na mararanasang muli ang mag-type ng paper para kay Ma'am Baylon, ma-late sa klase ni Sir Saguil o magpakapuyat para sa thesis. At alam kong hindi ka naiinggit na mararanasan namin ang mga ito, hehehehe... (uy nakatawa na yan!) Pero alam ko ang kinaiinggitan mo eh yung mga magagandang bagay na maaari pa sanang mangyari sa buhay mo. Huwag kang mag- alala, ikukuwento ko sa iyo 'pag dumating na ang balang- araw ko. Sagot ko na ang gin, 'kaw na bahala sa pulutan.

Para kay Wilmyr - anak, kapatid, kaibigan at lingkod bayan mula sa National College of Public Administration and Governance.

Kailan ba mamamatay ang isang tao? Kapag nalason siya o nalagutan ng hininga? Mamatay lamang ang isang tao kapag nakalimutan na siya ng iba... - One Piece, Filipino Dubbed




Para kay B, C, D to Z pabalik kay A


PARA KAY B: Book Review
Paumanhin: maglalaman ng ilang spoilers, read at your own risk.

Sa gitna ng napakaraming paulit- ulit na plot formula at nakakasawang klase ng mga characters ng mga nobelang nabasa ko, iilan lang ang ginawan ko ng book review. Malamang kabaliktaran kaagad ng mga ito ang nirereview ko - mga librong may kakaibang kiliti sa kili- kili at utak at nanghahalukay ng mga emosyon sapat upang aking irekomenda sa pinakamaraming taong maaabot ko. Mapalad akong binilhan ng aking butihing fiancée, eksakto isang araw bago ang aking kaarawan (of which is today) ng librong ito, ang Para kay B ni Ricky Lee.

Hindi na bago ang pangalang Ricky Lee kung napanood mo na ang Himala, bumili ng Trip to Quiapo at nabasa mo na ang kanyang pulitikal na maikling kuwentong Kabilang sa mga Nawawala. Sa totoo lang, labis akong humahanga sa writing style niya, swabe ang bagsak pero mapaggiit ang mga ideya sa likod ng bawat linya. Ganoon din ang nakita ko sa Para kay B.

Ang nobela ay kalipunan ng limang istorya ng pag- ibig. Ayon na mismo sa pabalat pa lamang, sa limang taong iibig, isa lamang ang tunay na liligaya sa piling ng kanyang minamahal. Ang mga kuwento nina Irene, Sandra, Ester, Erica at Bessie ay mga kuwentong sumasapul sa halos lahat ng klase ng kuwentong pag-ibig. Tagos ang mga linya, tagpuan kahit na rin ang mga simpleng katotohanan hinggil sa mga pananaw ng tao sa pag-ibig. Dito makikita ang pagka- henyo ni Ricky Lee. Nagagawa niyang buhay ang mga karakter kahit na absurdo ang ilang tagpuan at pangyayari (katulad na lamang ng kuwento ni Erica). Pinaiisip ka rin niya sa pamamagitan ng paglalahad ng ilang mga kontradiksyon at pagpapaubaya sa mambabasa ng desisyon kung alin ang paniniwalaan, katulad na lamang ng sinabi ng isang karakter sa huli na wala naman talagang quota- quota sa pag-ibig subalit kung titingnang maigi ang kabuuan ng nobela, sa limang kuwento ng mga babae, isa nga lang talaga ang tunay na lumigaya.

Ang pagtatagni- tagni ng mga istorya ay nakakapagpanatili ng atensyon, kaya hindi mo talaga titigilan ang pagbabasa. Animo walang kinalaman subalit sa isang klimatikong bahagi ay bubuhos na lamang ng sabay- sabay ang mga naipong ideyang inilahad sa mga kuwento. Nakakatuwa rin ang tila pagsagot na rin ng awtor sa pamamagitan ng mga mismong karakter ng mga tanong, na maaaring pilosopo o maiisip sa kalagitnaan ng nobela. Katulad na lamang ng isang karakter na nagrereklamo sa kanyang istorya, linya at ending.

Lutang na lutang rin ang mga isyung pulitikal at kultural na nais ipaintindi ng awtor - na hindi maaaring ilayo ang mga kuwento ng pag-ibig patungo sa mga lugar na komportable, maglaman ng mga karakter na halos diyos at diyosa sa itsura o kaya ay magkaroon ng hindi mapipigilang happy ending kahit na nagkandaletse- letse na ang lahat. Ang mga imahe ng mga protesta, pampulitikang pamamaslang, kahirapan, gender inequality ay makikita lahat sa nobela.

Sa huli, ang mga kuwento ay hindi mapang-husga. Bahala na kayo kung ano ang gusto ninyong isipin pagkatapos ninyong mabasa ang nobela. Sapagkat hindi lamang para kay B ang istorya kundi pati na rin kina C, D, E hanggang Z pabalik kay A - at sa lahat ng naniniwala sa happy ending, na sila'y isang Capital S at salitang pag- ibig.

Issues and Politics: Repacked

Mud Wars: Attack of the Killer Clone




Yugi Cards



DADGDAGAN KO PA PO ITO KAYA STAY TUNED FOR UPDATES... HAHAHAHA!


P.S. pedeng idistribute, acknowledge niyo lang kung saan nakuha okay? thanks!

Tula ng Wala Pang Tulog

Limbo

5:55 ng umaga
Limang minuto bago mag- ala sais
subalit ang tulog ay tila anino sa katanghalian.

Sinubukang ipikit ang mata
ngunit ang mga pares ng talukap
ay tila nagtatampo sa isa't isa
at nagtatagpo lamang ng panaka- naka.

Pagal na ang mga buto,
kasu- kasuhan, balun- balunan at atay
pero bakit kay ilap ng inaasam?
ang ginhawang hatid ng pansamantalang
pagtatago sa alpombra ng kawalang- malay?

Hay, tulog...
Sunduin mo na ako.
Ihabol mo sa akin ang paglimot
na hatid dapat ng gabi.
At habang inaantay kita
hayaan mong sumulat ako
ng walang kapararakan,
tungkol sa aking paghihintay
at sa matamis nating pagkikita...

produkto ng antok na diwa... pagpasensyahan na kung hindi man lang tumakam ng inyong panlasa.

Instant Quotes

Well bigla- bigla ko lang naisip at ninais ko na isulat agad para 'di mawala sa utak...

"Ang ating linyang pampulitika ay hinahasa ng mga tunggalian na ating napagwagian at kinatalunan. Kaya naman ito ay napakatalas at kayang humati ng halos kahit na ano. Subalit, laging tatandaan na kung ang linya ay ang espada, ang masa ang sa huli't- huli'y magtatarak nito sa puso ng pagsasamantala. Walang silbi ang linyang hindi tinatanganan ng masa."

CONG. JOVITO PALPARAN?!


Kamakailan lang ay nagdesisyon na ang pinakamataas na korte ng lupain, ang Korte Suprema na dagdagan ang bilang ng mga party list representative sa Mababang Kapulungan, alinsunod sa Article VI section 5.2 ng ating saligang batas na nagsasaad na nararapat na 20% ng mga kasapi ng mababang kapulungan ay mga party list representatives.

Maraming nadagdag na mga kongresista, at isa ako sa maraming natuwa nang malamang may youth sector representative na sa Kongreso (Si Cong. Mong Palatino mula sa Kabataan Partylist). Pero agad ding nahalinhinan ang tuwa ko ng pagkagulat at galit, dahil kasama sa mga bagong kongresista ang Berdugo ng Mindoro, Central Luzon at saan mang lupalop siya nadestino noong sundalo pa siya - si Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan.

Lubusan akong nagdududa, hindi lang sa pagkakaroon nila ng botong sapat para makapasok sa kongreso, kundi pati na rin sa kakayahan ng aking peyborit na sundalo. Minsan nang naakusahan ang partylist nitong Bantay na ginagamit ang mga sundalo ng AFP sa kampanya nito (tingnan ang artikulo dito). At syempre pa, patung- patong ang mga human rights violations na ginawa nito: Mindoro: 326 violations, 80 killings bilang Head ng 204th Infantry Brigade; Eastern Visayas: 199 violations (killings, tortures, harrasments); at Central Luzon: 13 Killed Bayan Muna members within 1 month sa 7th Infantry Division. Consultant din siya ng 24 Hours Security Corp. and Oro Development Corp na na-involve sa take-over ng Ore Asia Mining and Development Corp. (OAMDC) Doña Remedios Trinidad, Bulacan at ang seaport ng Consolidated Mining Inc. (CMI) sa Masinloc, Zambales.

Kailangan din nating suriin, ano ba ang nirerepresent ni Mr. Palparan? Ang kanyang party list na Bantay (The True Marcos Loyalists Association of the Philippines) ay hindi naman nagrerepresent ng tinatawag nating Marginalized Sector (diumano ang nirerepresent niya ay ang mga security personnel all over the country) na nakasaad sa RA 7941.

Matatandaan na nung minsang na- interview ito hinggil sa political killings, sinabi nito na wala siyang direct hand sa killings, pero baka raw na-inspire niya ang mga pagpatay na ito. Kung di ba naman utak- pulbura! Nung huling tingin ko, gawain ng AFP na magtanggol ng mamamayan, hindi mang- inspire ng patayan. Kung ganito po ang gawain ng AFP, dapat eh palitan ang pangalan nito patungong Adolf's Forces in the Philippines, o kaya naman eh Armed Fascists in the Philippines (pwede ring Armed Fascists of the President)

Nararapat na pigilan ang mga ganitong klase ng tao (mga taong "bala muna bago diskurso", at masyado nang maraming warlord sa kongreso), na makapasok sa kongreso. Walang Honorable title na maikakabit sa pangalang Jovito Palparan.



(siguradong under surveillance ako kapag nabasa ito ng bossing... bahala sila)

KABATAAN, Tayo ang Pagbabago!


Message of Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino to the Filipino youth on the historical event of seating the first youth representative in Congress

---

Five years in the making for the country’s sole youth sectoral party-list, but better late than never and victory is still sweet for all Filipino youth.

Kabataan Party-list, the largest youth party in the country, represented the youth sector in the 2007 elections. It was the second time for our organization to run in the party-list elections. In 2004, we ran under our previous name, Anak ng Bayan, and were among the top choices for party-list based on pre-election surveys. Anak ng Bayan, however, fell prey to massive cheating. A significant number of our votes were anomalously counted in favor of another party-list group, thus our change of name in the 2007 party-list elections.


Despite not winning, we went on with our advocacies and continued to carry on with our principles and general program of action with the help of our founding organizations, such as the National Union of Students of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines, League of Filipino Students and Anakbayan and other supporters nationwide and abroad.


Now, five years after our first electoral bid, Kabataan Party-list has finally secured a seat in the House of Representatives per SC GR No. 179271, promulgated April 29, 2009.


Now, we are happy to convey the message to all Filipino youth that the SC Resolution, in effect, has once again marked the youth’s rightful place in history by granting the first ever youth sectoral representation in the House of Representatives.


This is truly a historical event and we share this resounding victory to all Filipino youth who voted for and supported Kabataan Party-list. We are overwhelmed but more than ready to take on the task and challenge of being the sole voice of the youth in Congress.


We are youth from different walks of life. We have long-ago advocated for the youth to devote its intellect, energy and courage to building a better society devoid of corruption, inequality and social injustice. We are youth that foster active participation in nation-building, good governance and change.


In this junction in history in light of our recent victory, we, the youth, are change. Kabataan, tayo ang pagbabago.


----------------------------------x--------------------------------------------------------------


Well, Cong. Mong summed it all up, this is the first time ever na nakapagpaupo ng representative ang youth sector sa kongreso. And it's about time! Sa sobrang dami ng issues na laging humahagupit sa kabataan, we will need all the strength we can muster para ipagtagumpay ang bawat laban para sa ating mga karapatan.

So, congratulations sa Kabataan Partylist! And sana sa susunod na eleksyon - tatlo na ang maipasok ng Kabataan.

The Already Late Thank-Yous

Well I know that the elections are soooooooooooooo over at napasalamatan ko na karamihan sa kanila ng personal, gusto ko pa ring sabihin ang ilang mga salitang 'di umalpas sa bibig (marahil ay nalulon ko at nakain, bukod pa sa gusto ko munang palipasin ang election fever, baka kasi sabihin pa na politicking ang ginagawa ko.)

So, eto na:

Xiel at Raisa:

Salamat sa pagiging masipag, makulit at energetic na PCT. Hindi ninyo alam kung makailang ulit na pinalakas niyo ang loob ko na magdeliver ng alternative leadership sa ating college. Kahit na may thesis kayong pinoproblema, 'di niyo pa rin nakalimutan na magsuot ng pins, mamigay ng SPOA, gumawa ng teasers at samahan ako sa RTR.

Sobrang nagpapasalamat din ako dahil kayo yung unang sumalubong sa akin nung paglabas ng results. It meant a lot. Na-wengwang lang talaga ako nung nag-iyakan kayo. Sana di ko na makitang umiiyak kayo, EVER! Kasi sanay ako na nakatawa kayo (at sanay ako sa devilish grin ni raisa pag nambabalahura).

At kahit 'di ako nanalo, I'm still going to serve the college sa pamamagitan ng pagiging isang Dumala. And I owe you two a lot, dahil nakapag- contribute kayo sa urge na nararamdaman ko na kailangan na ng pagbabago sa college.

Cham

Well, ikaw nga ang best buddy. Salamat sa lahat ng inputs at pagse- share ng insights mo. You never failed to impress me with your wit and energy. Kapag sobrang pagod na ako noon, lagi akong nahahawa ng hindi maubos-ubos na chakra na galing sa iyo.

Darcee, Yeye, Frances and Flory

Salamat sa cheers and jeers, sa pag-gupit ng pins at feedbacks mula sa inyo. Mami- miss ko ang presence niyo sa tambayan, particularly yung ingay na dala ninyo, na actually, kahit mukhang nagtatakip ako ng tenga, isa sa mga reasons ng pagpunta ko palagi sa tambayan.

Karl and Emma

Dyusko, hug na lang ang ibibigay ko sa 2 batchmates ko na ito, dahil 'di enough na magthank- you lang. Kulang na lang ipagpatayan ako ng mga ito. Hahahahaha! Kaya naman da best ang Batch Balahura!

Batchoy

Salamat sa suporta, lalo na sa pagsusuot ng pins at poster (yes sinuot ni Joebert ang poster). Nasa mabuting kamay ang Pagdumala habang nandyan kayo.

And to the 94 People who voted for me:

YOU WERE ALL WORTH FIGHTING FOR! Don't worry, the promised programs will still be merited kung magtutulungan tayong lahat. Ipinangako ko naman (pati na rin si Bryce) ang support ko sa ating college rep. Kaya rest assured, I'm still working for a better NCPAG for the Filipino people.

sa mga hindi ko nabanggit: don't worry, hindi pa to tapos... iu-update ko pa...

Resurrected Blog Life

Halos isang taon din magmula nung ginawa ko itong blog na ito, hindi ko man lang napalamnan, samantalang ayon dito sa dashboard ko eh lumikha ako ng halos 8 draft entries. Hindi ko man lang pinublish kahit isa, sabihin na nating tuwing nagsusulat ako dati eh inaatake ako ng pagka- pipi sa pagsusulat - walang salitang maitumbas sa mga nagbabanggaang ideya sa utak ko.

Pero siyempre, ayaw ko naman na matutulog na lang itong mga ideya na ito sa sulok ng disturbed na utak ko. Kaya naman iaalay ko itong mga susunod na blog entries sa inyo - mga pinagkaitan ko ng mga bagay na masasabi ko sana o maibabahagi sa inyo.

Rak en rol pipol! Simulan na ang ututang- letra...