Kamakailan lang ay nagdesisyon na ang pinakamataas na korte ng lupain, ang Korte Suprema na dagdagan ang bilang ng mga party list representative sa Mababang Kapulungan, alinsunod sa Article VI section 5.2 ng ating saligang batas na nagsasaad na nararapat na 20% ng mga kasapi ng mababang kapulungan ay mga party list representatives.
Maraming nadagdag na mga kongresista, at isa ako sa maraming natuwa nang malamang may youth sector representative na sa Kongreso (Si Cong. Mong Palatino mula sa Kabataan Partylist). Pero agad ding nahalinhinan ang tuwa ko ng pagkagulat at galit, dahil kasama sa mga bagong kongresista ang Berdugo ng Mindoro, Central Luzon at saan mang lupalop siya nadestino noong sundalo pa siya - si Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan.
Lubusan akong nagdududa, hindi lang sa pagkakaroon nila ng botong sapat para makapasok sa kongreso, kundi pati na rin sa kakayahan ng aking peyborit na sundalo. Minsan nang naakusahan ang partylist nitong Bantay na ginagamit ang mga sundalo ng AFP sa kampanya nito (tingnan ang artikulo dito). At syempre pa, patung- patong ang mga human rights violations na ginawa nito: Mindoro: 326 violations, 80 killings bilang Head ng 204th Infantry Brigade; Eastern Visayas: 199 violations (killings, tortures, harrasments); at Central Luzon: 13 Killed Bayan Muna members within 1 month sa 7th Infantry Division. Consultant din siya ng 24 Hours Security Corp. and Oro Development Corp na na-involve sa take-over ng Ore Asia Mining and Development Corp. (OAMDC) Doña Remedios Trinidad, Bulacan at ang seaport ng Consolidated Mining Inc. (CMI) sa Masinloc, Zambales.
Kailangan din nating suriin, ano ba ang nirerepresent ni Mr. Palparan? Ang kanyang party list na Bantay (The True Marcos Loyalists Association of the Philippines) ay hindi naman nagrerepresent ng tinatawag nating Marginalized Sector (diumano ang nirerepresent niya ay ang mga security personnel all over the country) na nakasaad sa RA 7941.
Matatandaan na nung minsang na- interview ito hinggil sa political killings, sinabi nito na wala siyang direct hand sa killings, pero baka raw na-inspire niya ang mga pagpatay na ito. Kung di ba naman utak- pulbura! Nung huling tingin ko, gawain ng AFP na magtanggol ng mamamayan, hindi mang- inspire ng patayan. Kung ganito po ang gawain ng AFP, dapat eh palitan ang pangalan nito patungong Adolf's Forces in the Philippines, o kaya naman eh Armed Fascists in the Philippines (pwede ring Armed Fascists of the President)
Nararapat na pigilan ang mga ganitong klase ng tao (mga taong "bala muna bago diskurso", at masyado nang maraming warlord sa kongreso), na makapasok sa kongreso. Walang Honorable title na maikakabit sa pangalang Jovito Palparan.
(siguradong under surveillance ako kapag nabasa ito ng bossing... bahala sila)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
January 6, 2012 at 11:55 PM
berdugo? hahaha, galit lang kayo mga militanteng makakaliwa sa kanya....itigil nyo na ang bali niyong idolohiya...proud ba kayo na ang presidente ngayon ay symphatizer ng mga NPA pati na yang DOJ secretary na si De Lima? wag mong ideny, baka bata kapa nun...
Post a Comment